Miyerkules, Hulyo 20, 2011

100 Day Deal Chapter I

100 DAY DEAL
“I’ll do whatever it takes..para sa kahit sa buong buhay ko siya pa rin at wala nang iba.
__________________________________________________________

100 DAY DEAL  1_____________________________________________

How to Make Him Break Up with You:
1.             Do what he hates
2.            Make him angry
3.            Pick fights with him
4.            Cheat on him
5.            Break his heart

Ganyan lang daw kadali yun. Ewan ko ba kung ba’t naniwala ako. Sobrang desperado ko na siguro. Di ko lang alam, maling-mali pala yung gagawin ko.

Ako si Jamie Nica Reyes. Tawag ng mga friends ko saken Jamie. Yung mga super best friends at feeling close, tawag saken Jam. Seventeen years old na ako. NBSB. Not that I’m ugly. It’s just that I hate commitment. Karamihan sa mga friends ko, may boyfriend na. Ako na lang ang hindi. They always try to set me up tuloy. The problem is, when I get close to a guy, natatakot ako. Siguro nga, I’m scared to fall in love.

Medyo matangkad ako compared to others. I have long straight hair na lagging naka-ponytail lang. Tapos, I love to wear cargo pants and ang top ko, kahit anong mabunot na damit sa magulong closet. Ang shoes ko, Chucks lang or Red. Kaya medyo mukha akong lalaki sa ayos ko. Pero, may curves din naman ako. Ayoko lang ipakita so I wear loose clothing.

Yung guy naman, si Chase Andrew de Guzman. He’s eighteen. Second year na siya and heartthrob sa school. I’m not really attracted to him kasi nga, I rarely look at guys. We’re from the same elementary school and same din ang high school. Pero, since one year older siya, di naman kami nagkakausap.

Until then….

Umpisahan natin sa… exactly thirteen days ago.

Pagpasok ko pa lang sa school, I felt like something was wrong. Kasi yung buong student body ay nagkakagulo sa bulletin board na normally ay di naman nila pinapansin.
I saw my bestfriend, Clara sa isang corner at mukhang may katext siya.

“Huy!”  tinapik ko yung shoulder niya.

“Ay, shit! Anu ba yan! You scared ten years out of me!”  sabi nya sabay hawak sa dibdib. Nerbiyosa si Clara. Sometimes I think nab aka dahil yun sa pag-inom nya ng coffee everyday.

“Best, Anong meron?”  I asked.
“Ah? Wala. May bago lang tsimis.” 

“Ha? Ano?”

“Si Chase daw. Nakipagbreak na daw kay Alexandria Gomez.”

“What? Yun lang, pinagkakaguluhan na?”

“Shunga.”  Binatukan nya ako.

“Sakit nun ah. Makabatok ka, wagas.”

“Sorry. Alam mo naman eh . Si Chase and Alexandria ang tila king and queen here in our school. With them breaking up, mahahati din ang buong school.”

“OA naman nila. Parang break-up lang, ganun na..”

“Best, alam mo namang mahal kita, di ba? Kaya I want to be the first one to tell you na baliw ka.”

“Ganun?”

“Oo. Si Chase at Alexandria ay yung tipong high school sweethearts na probable na maging mag-asawa in the future. Ganun ka-perfect!”

“Oh, kung perfect nga, ba’t sila naghiwalay?”

“Yun nga eh. Engaged na daw si Chase. Kaya, di pwedeng he’ll continue being with Alexandria.”   Tapos, mukhang super sad nga yung bestfriend ko.

“Best. Para namang teleserye yan. Nako, if I know, they’re still together at patago lang yung relationship nila.”   I said.

She shook her head. “No. Nag-break na talaga sila. Kaya nagkakagulo sa bulletin board is because may nakasulat dun na ‘I hate you Chase Andrew!’ Tapos pagkakita ni Chase, umalis bigla. Pero pagtwag sa bahay nila, wala daw dun si Chase. Tapos si Alexandria naman, iyak nang iyak. Ayun, nagkulong sa CR.”

 Napatango na lang ako. Malay ko ba dun? Hello! NBSB nga di ba? So yun, whole day napansin kong totoo nga sinabi ni Clara. Yung dating table na inuupuan ng mga “popular” sa school, walang nakaupo. Pati 3rd year and 4th year di umuupo dun. Tapos, parang may invisible line na humahati sa school.

“Clara, san tayo?”  I asked her habang dala namin yung tray namin.

“Dun sa side nina Alexandria. Nandun si Clarice eh. Pati din si Whitney.”  Sabi nya. Si Clarice yung twin ni Clara. And si Whitney naman ay ang bestfriend din naming na nasa cheering squad kaya close sila ni Alexandria.

So, dun nga kami. Napansin kong wala nga talaga sa sarili si Alexandria. Normally, yung hair nya, super shiny na mukhang pangcommercial. Ngayon, she just pulled it up. Then yung sout nya, normally, colorful na mga damit. Ngayon, gray sweatshirt lang and shorts. Yung mata nya, medyo namumugto. Halatang umiyak. Di sya kumakain. Nakatitig lang dun sa food nya.

Isang buong oras syang ganun at lahat kami ay super na-awkward. Habang kumakain, biglang tumunog yung phone ko. Biglang napatingin si Alexandria away from her food.

I say leave
But all I really want is you
To stand outside my window
Throwing pebbles
Screaming I’m in love with you
Wait there in the pouring rain
Come back for more
And don’t you leave
Cause I know all I need is on
The other side of the door

Napatingin silang lahat sakin. Then, si Alexandria biglang umiyak. Then, buong school, nakatingin na talaga.

“Oh. God! I’m so sorry!”  I grabbed my phone and went away. Sinagot ko yung call. Si dad pala.


“Hello.”

“Hello. Naglu-lunch ka ba ngayon?”
“Y-yes.”

“Umuwi ka nang maaga tonight. Kailangan 7 PM nandito ka na. We’ll have dinner.”

“Opo.”

“Okay. Bye.”

Ganun kami ng dad ko. Cold sa isa’t isa. Di kasi talaga kami close kasi lagi syang wala. Pagbalik ko sa cafeteria, bigla akong hinug ni Alexandria.

“Gosh. Sorry. Ayokong isipin mo na baliw ako. It’s just that, yung song kasi eh. I’m sorry if I offended you in some way.”  Then, umiyak uli sya.

Talk about awkward.

“Okay lang.”  I patted her back.

“Really?”  Thank God. Bumitaw sya saken.

“Oo. Sure.”

“Thank you for understanding.”  Hinug nya uli ako bigla. Then, umalis na.

Sinundan siya ng iba pa nyang friends at ang natira lang sa table ay ako, si Clara, Clarice at Whitney.

“What was that about?”  sabi ni Clarice.

“Oh. Nagso-sorry si Alexandria.”  I shrugged like that happens everyday. Eh siguro nga, ngayon lang ako napansin nun. Not being mean, pero she’s popular nga so people like me aren’t really close to her.

“Not that. Yung phonecall.”  Sabi ni Whitney.

“Ah. Yun. Tumawag ang daddy ko. Pinapauwi ako ng maaga. Sorry ah. I can’t go with you later.”

“Okay lang. we understand. Bihira nga lang kayo mag-meet ng daddy mo eh. So, okay lang talaga.”

“I’d rather be with you, guys.”
“Awww…”  sabi nila.

“Cheesy mo ‘teh! Okay na. okay na. Aura na!”  sabi ni Whitney. She does that for fun sometimes. Yung magsalita ng parang gay. So, natawa ako.

I didn’t know na dapat pala din a lang ako pumunta para di ko na lang nagawa yung kabaliwan na yun.

Super higpit ng  parents ko. Meron kasi kaming business na namana galing sa lolo ni daddy. So, mula pagkabata eh, tini-train na ata ako. Sa ngayon, huge corporation na sya. Ang kuya ko, VP na. Tapos si ate, asawa ng CEO ng isa ring malaking corporation na business partner ni daddy. After a year nila magpakasal, nag-merge na ang dalawng companies.
Sabi lagi ni mommy na I shouldn’t take any guy seriously kasi someday, baka i-arranged marriage din ako. So, I just enjoy life sa ngayon.

“Jamie Nica, you won’t go dressed like that.”  She pointed at my clothes. I went up my room. Marami dung dress na bihira ko lang naman suotin.

I got a red dress and placed my hair in a single braid na nag-reach up to my lower back. Maiksi yung dress at I hate na magsuot ng ganun. Tapos black stilettos. Oo. Kaya ko ring magsuot nun. Bihira lang talaga. I wore yung necklace na gift nila nung thirteenth birthday ko. Whit gold yun tapos may locket. Sa book, picture ng parents ko at kaming magkakapatid.
Then, pumunta kami sa isang sikat na hotel. Dun kami lagging nagdi-dinner pag nandyan si daddy. No excuses. Pati ate at kuya ko, walang absent sa ganitong dinner. Pagkarating, nandun na nga silang dalawa. Kaming tatlo na lang ang hinihintay.

Pumunta samin yung waiter para kunin yung order namin. Sinabihan lang sya ni mommy ng “Tell the chef we want the usual.”

Tumango ito at umalis.

“Nico,how are the reports doing?”  tanong ni daddy.

“Uhm. Okay. We just signed the deal with Mr. Lopez this morning.”

“Good. How about you, Jasmine?”

“Well, Jason (yung husband ni ate) was requesting forms yesterday. He just received them today. We think there’s an error in some of the files.”

“What error?”

“Yung budget nung January. There’s an amount allocated for travel but we didn’t have any out-if-town trip until February.”

“I see. I’ll check with the department.”

Grabe dinner samen noh? Kala mo, may business meeting na. ganyan lagi. Parang di nila kaya iwan yung trabaho nila sa opisina. Parang kulang pa yung 8 hours. Nasa dugo ata naming pagka-perfectionist. Lahat dapat tapos and no errors allowed.


“Jamie, how are your studies?”  He asked.

“Fine, daddy.”

“I saw a 1.5 na grade ah. What are you doing?”  Sobra. Galit na si daddy.

“Sorry, dad.”

“I don’t want that to drop from a 1.25, okay?”
“Yes, dad.”

“And you’ll meet your fiancĂ© tonight.”

....to be continued...